200 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA CEBU

CEBU – Tinatayang 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab nitong madaling araw ng Huwebes sa Sitio Fatima Lipata, Barangay Linao sa bayan ng Minglanilla sa lalawigan.

Ayon sa BFP Minglanilla, nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw at agad itong itinaas sa 2nd alarm.

Mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang nasa 200 kabahayan.

Ayon sa BFP, nahirapan silang apulain apoy dahil masikip ang lugar at iisa ang pasukan at labasan.

Idineklara itong fire under control dakong alas -4:15 ng umaga at tuluyang na-fire out dakong alas-4:37 ng umaga.

Wala namang naitalang namatay o nasaktan sa insidente habang pansamantalang dinala ang naapektuhang mga pamilya sa barangay evacuation center.

Ayon kay Linao Barangay Captain, Ma. Primitiva Castanares, hanggang alas-6:00 ng umaga, nasa 60 pamilya na ang kanilang naitalang naapektuhan ng sunog habang inaalam ang iba pang mga biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

47

Related posts

Leave a Comment