3 ‘DRUG QUEENS’ LAGLAG SA P.6-M DROGA

CAVITE – Bagsak sa kulungan ang tatlong tinaguriang “drug queens” makaraang makumpiskahan ng mahigit P.6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Lunes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina alyas “Joana”, “Abegail”, at “Angelou”.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO), at Gen. Trias Component City Police Station, sa Purok 1, Brgy. Tapia, General Trias City na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 100 gramo ng umano’y shabu na may street value na P680,000.

(SIGFRED ADSUARA)

63

Related posts

Leave a Comment