GO UMAYUDA SA MGA NASUNUGAN SA MAYNILA

PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang nasunugan mula sa iba’t ibang barangay sa Manila.

Umabot sa 289 pamilya na biktima ng sunog mula sa Barangays Baseco, 384, 650, 732 at 739 ang nakatanggap ng tulong mula sa senador.

May hiwalay ring tulong ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng programang isinulong noon ni Senator Go para may pambili ang mga benepisyaryo ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pagkumpuni sa nasira nilang bahay.

(DANNY BACOLOD)

59

Related posts

Leave a Comment