3 FOREIGN SEX OFFENDERS HINARANG SA NAIA

TATLO pang dayuhang sex offenders ang pinigil ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagiging undesirable aliens.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong pasahero na pinigil sa NAIA Terminal 1, ay nagpanggap na mga turista.

Kabilang sa hinarang na mga dayuhan si Jeffrey William Jewitt, 42, sakay ng Korean Airlines flight galing Incheon, South Korea.

Si Jewit ay nahatulan ng two counts na child abduction at pagmolestiya sa isang 16-anyos, at sexual exploitation sa isang 12-anyos, sa isang korte sa Illinois noong 2012, ayon sa BI Border Control and Intelligence Unit (BCIU).

Hinarang din ng mga awtoridad si Charles David James Weatherall, 32, nang dumating sakay ng Air China flight galing Beijing.

Ito ay nahatulan ng child pornography dahil sa pagkakaroon ng hubad na mga litrato ng mga kababaihan sa United Kingdom.

Habang si Momodu Wurie Jalloh, 28, ay pinigil ng mga awtoridad nang dumating sakay ng Saudia Airlines galing Jeddah, Saudi Arabia.

Ang dayuhan ay nahatulan ng pananakit sa isang 21-anyos na babaeng walang kakayahan.

(JOCELYN DOMENDEN)

60

Related posts

Leave a Comment