3 NAGPAMASAHE MUNA SAKA NANGHOLDAP

CAVITE – Tinutugis ng Cavite police ang tatlong kalalakihan na nagpamasahe muna sa isang spa saka nangholdap at tumangay ng P15,000 na kita nito sa Imus City noong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang pinaghahanap na mga suspek sa pamamagitan ng rouge gallery, na sina alyas “Dominic”, alyas “Bryce”, at isang “John Doe” na inireklamo ni Princess Tomy y Mulingbayan, 21, isang therapist ng nasabing spa.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 noong Martes ng madaling araw nang pumasok ang mga suspek sa Osmosis Spa at Seven One building sa Brgy. Tanzang Luma V, Imus City, at nagpanggap na mga customer at nagpamasahe.

Pagkaraan ay nagdeklara ang mga ito ng holdap saka kinuha ang P15,000 halaga na kita ng spa, at isang cellular phone na pagmamay-ari ni Tomy, saka mabilis na tumakas.

(SIGFRED ADSUARA)

83

Related posts

Leave a Comment