3 SASAKYAN INARARO NG JEEP 1 PATAY, 4 SUGATAN

DAVAO CITY – Patay ang isang 64-anyos na lalaki na nagmamaneho ng e-bike matapos na ang sasakyan nito at ang isa pang motorsiklo at isang tricycle, ay araruhin ng pampasaherong jeep sa national highway sa Barangay Agdao, sa lungsod na ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Eduardo Zagado, idineklarang dead on the spot matapos pumailalim sa nakasagasang pampasaherong jeep at makaladkad ng 70 metro ang layo.

Ayon sa report ng Agdao police, nangyari ang insidente sa R. Castillo Road nang salpukin ng jeep na minamaneho ni Lolito Maglacon Jr., ang nasabing 3 sasakyan.

Nasugatan din ang driver ng motorsiklo at ang tatlong sakay ng tricycle kabilang ang isang 11 buwan gulang sanggol, na agad isinugod sa ospital.

Ikinustodiya na ng Sta. Ana police station ng Davao City PNP ang driver ng jeep.

(NILOU DEL CARMEN)

92

Related posts

Leave a Comment