4 MOTORSIKLO INARARO NG VAN, 2 PATAY

CEBU CITY – Dalawa ang patay habang ilan pa ang sugatan matapos araruhin ng isang van ang hindi bababa sa apat na motorsiklo at ilang pedestrian sa Sitio Kamanggahan, Barangay Guadalupe sa lungsod noong Martes ng hapon.

Ayon sa Cebu City Police Office, ang van ay galing sa pribadong subdivision sa isang mataas na lugar.

Minamaneho ng subcontractor ng subdivision na si Felizardo Pasague Base, ang van at sakay ang kanyang tatlong trabahador, pauwi mula sa trabaho, nang ito ay mawalan ng preno habang palusong.

Una nitong nasalpok ang apat na motorsiklo na na ikinamatay ang isang hindi pa kilalang rider, at isang pedestrian na si Genevieve Gomez.

Nasugatan naman sina Christina Caballes, Ryan Panonce, Aldrin Hertezuela, at Arnold Gabutan Sr., isa pang motorcycle driver.

Batay sa video ng cellphone na kuha ng isa sa mga residente sa lugar, wasak ang mga motorsiklo. Nagkaroon din ng malaking pinsala ang van.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng van habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

39

Related posts

Leave a Comment