Pinakamababa mula noong 2005 3.6% UNEMPLOYMENT RATE IKINATUWA NI NOGRALES

BILANG chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ikinatuwa ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang naitalang pinakamababang unemployment rate sa bansa simula noong 2005.

“The 3.6 percent unemployment rate indicates that the government is on the right track in providing jobs to our people as we recover from the losses caused by the pandemic,” ayon kay Nograles.

Kamakailan, iniulat ng Philippine Statistics Authority na ang nasabing bilang ng mga walang trabaho noong Nobyembre ay 1.83 million, malaking kabawasan mula sa 2.18 million na naitala sa parehong buwan noong 2022.

Ang pagbaba na ito, mula 2.09 million noong Oktubre, ay nagresulta sa pagbagsak ng unemployment rate sa 3.6 percent mula sa 4.2 percent na naitala noong Nobyembre 2022 at Oktubre 2023.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ito ang lowest jobless rate na naitala simula noong nagbago ang PSA sa kanilang unemployment measurement approach noong Abril 2005.

Gayunpaman, binanggit ni Nograles na dapat magkaroon ng mas matindi pang pagsisikap sa pagbuo ng alternative working schemes upang tumaas ang labor force participation rate, na naitala sa 65.9 percent mula 67.5 percent noong November 2022.

Ang pagbaba ay dahil nabawasan ang partisipasyon ng kabataan (34.4 percent from 40 percent) at kababaihan (55.4 percent from 57.8 percent) sa labor force, na naimpluwensyahan sa ng family responsibilities, schooling, and age-related factors.

Kaugnay nito, sinang-ayunan ng mambabatas ang panawagan ni

NEDA Sec. Arsenio Balisacan para sa pagpapalawak ng digital economy, gayundin sa digitalization ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) para tugunan ang pagbagsak ng labor force at pagtaas naman ng labor market gains ngayong 2024 at sa susunod pang mga taon.

Hinikayat din ni Nograles ang gobyerno na maglagay ng mga mekanismo para maprotektahan ang mga manggagawa sa agriculture at iba pang sectors, na apektado ng tagtuyot dahil sa El Niño ngayong taon.

“These gains will quickly turn to losses if we are unable to implement measures that address the challenges posed by El Niño and their effect on our people’s employment,” babala pa niya.

“Hindi lang trabaho, kundi pati seguridad ng pagkain ang nanganganib dahil sa tagtuyot na dala ng El Niño ngayong taon. These are grave issues that we must address decisively and urgently,” dagdag pa ni Nograles.

(JOEL O. AMONGO)

244

Related posts

Leave a Comment