4 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MT. BULUSAN

NAG-ALBOROTO ang bulkang Bulusan na nakapagtala ng apat na volcanic earthquake sa paligid nito, iniulat nitong Huwebes, Abril 18, ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs, nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Bulusan habang namataan ang pagsingaw ng usok sa bulkan na may taas ng 70 metrong taas.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagbuga ng usok ng bulkan, namataan din ang pamamaga ng bulkan.

Kaugnay nito, inirekomenda ng ahensya na ipinagbawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ.

Hindi rin pinahihintulutan ng Phivolcs ang pagpapalipad ng anomang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok nito.

(PAOLO SANTOS)

50

Related posts

Leave a Comment