LALAKI ARESTADO SA CASH IN SABAY TAKBO

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 31-anyos na lalaki makaraang nagpa-load sa GCash ng halagang P36,700 sa isang tindahan subalit ‘di nagbayad at tumakas sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si alyas “Juanito” ng New Era, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa salaysay ng biktimang si alyas “Kristine”, 27, isang negosyante, ng Brgy. Ulat, Dasmariñas, sa mga awtoridad, dakong alas-4:00 ng hapon, nagpa-load ang suspek ng halagang P35,700 kasama na ang karagdagan fees sa pamamagitan ng GCash.

Matapos na i-load ng biktima ang nasabing halaga, imbes na bayaran ng suspek ay mabilis itong kumaripas ng takbo.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa kanilang barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment