46 CPP-NPA MEMBERS NAPATAY SA MILITARY OPERATIONS

UMABOT sa 46 na mga kasapi ng armadong galamay ng Communist Party of the Philippine at New People’s Army ang napaslang ng militar sa kanilang inilunsad na focused military operations laban sa mga rebeldeng grupo na target nang wakasan ng Armed Forces of the Philippines ngayong taon.

Base sa datos na ibinahagi ng AFP sa isang pulong balitaan, kasama ang ang nasabing bilang sa kabuuang 706 na CPP-NPA rebels na naneyutralisa ng military sa unang quarter ng taong 2024.

Sa nasabing figure, kabilang dito ang 614 rebelde na sumuko sa pamahalaan, at karamihan dito ay sinasamantala ang alok ng gobyerno na pagbabagong buhay.

Bukod sa 46 na napaslang sa military operation ay 46 ang nadakip bunsod ng ikinasang law enforcement operations o nakubkob sa kasagsagan ng pakikipagsagupaan ng mga ito sa mga tropa ng pamahalaan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang naturang bilang ay naitala mula noong Enero 1 hanggang Abril 11 ng taong kasalukuyan.

Bukod dito, ipinagmamalaki ng Hukbong Sandatahan na mayroon ding 89 mga miyembro ng local terrorist groups ang nasupil ng military, kabilang dito ang 21 na napaslang, 64 ang sumuko, at apat naman ang nadakip.

Sa inilabas na datos ng military, 293 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa kanilang military operations.

Sinsero pa ring nanawagan ang AFP at maging ang Department of National Defense sa nalalabing mga miyembro ng mga rebelde at terorista, na magbalik-loob sa pamahalaan at muling mamuhay nang normal sa lipunan.

(JESSE KABEL RUIZ)

39

Related posts

Leave a Comment