NINO DRUG GROUP MEMBER, NAKORNER

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang miyembro ng Nino drug group matapos naaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Maximo”, kabilang sa listahan ng HVIs ng pulisya.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:55 ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. San Esteban, Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nasamsam sa suspek ang tinatayang 4 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P27,200, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment