500 GRAMS SHABU NASAMSAM SA 2 TULAK

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City—Timbog ang dalawang tulak ng droga sa bayan ng Goa, Camarines Sur sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant ng pinagsamang na mga operatiba ng pulisya at PDEA dakong 6:15 ng umaga nitong Hulyo 1, 2022 sa Zone 3, Brgy. Matacla, Goa, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Naneth Obias y Formalejo, 33-anyos,  ito ay kabilang din sa Provincial Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs ng Camarines Sur. Kasama rin sa mga nahuli ang 23-anyos na lalaking si Anthony Ariola y Ranin.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Goa MPS, PDEA Camarines Sur, PDEA RSET, PIU Camarines Sur PPO at Camarines Sur 2nd PMFC ang nasabing implementasyon ng search warrant na ipinalabas ng RTC Branch 58, San Jose, Camarines Sur.

Ang operasyon ay nagresulta sa kumpiskasyon ng dalawang transparent na plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu. Ito ay may tinatayang timbang na 510gramo at nagkakahalaga ng P3,468,000

Matapos ang pagmamarka at dokumentasyon ng nabanggit na mga ebidensya, inilagay ang mga suspek sa kustodiya ng Goa MPS para sa nararapat na disposisyon.

Inihahanda na rin ang kaso para sa nahuling mga indibidwal, na paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ang sunod-sunod na pagkakahuli ng mga nasa likod ng pagpapalaganap ng iligal na droga sa rehiyon ay isa lamang sa manipestasyon nang walang humpay na pagpupursige ng organisasyon kasama ang PDEA upang matuldukan na ang masamang gawaing ito.

“We guarantee the public that we shall not stop our efforts until we are able to reach our goal to provide the people a better community, ani PNP-PRO5 Spokesperson P/Major Malou Calubaquib.

  “Katuwang ang aming partner agencies, patuloy ang aming operasyon maging ang pagbibigay kaalaman sa ating mga kababayan sa negatibong epekto ng iligal na droga upang sila mismo ang kusang magsikwal nito,” pahayag naman ni PBGEN. MARIO A. REYES, RD, PRO5. (JESSE KABEL)
166

Related posts

Leave a Comment