PBBM, VP SARA AT ATTY. LOPEZ NAGPASALAMAT SA MGA TAGASUPORTA

NAGDAOS ng ‘Pasasalamat Tanghalian ng Maynila’ sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Vice Pres. Sara Duterte at Atty. Alex Lopez sa mga dating Kabataang Barangay na sumuporta sa kanila nitong nadaang May 9 elections, na ginanap sa Saisaki West Ave., QC nitong Sabado ng tanghali (July 2).

Masayang nagsalo sa pananghalian ang grupo ni Sen. Imee Marcos kabilang ang Kabataang Barangay Manila, KBMM, KB LuzViMinda, mga samahang nabuo simula pa noong 1975, 1980 at 1985.

Kabilang sa mga dumalo sa simpleng pasasalamat ang mga dating opisyal ng Kabataang Barangay na sina Naz Gutierrez, Jr. dating KB Pres. 1975; Germs Nunez, KB City Head; dating Vice Mayor Jing Hernandez, KB Valenzuela, at kasalukuyang Head ng 4Ps partylist; Ex-VM Maca Asistio, KB Caloocan; Mike Ignacio, KB Taguig; Ma. Theresa Cuerdo, dating Vice Mayor ng Pateros; Vic Badaguas, KB Provincial Coordinator – Palawan at Rizal; Lenie Pasco, KB QC, at kasalukuyang Brgy. Chairman ng Lipis; Artemio Sampuang, KB Marikina; Gerlie Amarilio, KB School Chapter Metro Manila; Mary Ann Bunkag, KB Puerto Prinsesa simula 1980-1985; at iba pang KB chairman.

Binuo ni Senadora Imee ang ‘Kabataang Barangay’ noong April 15, 1975, matapos ideklara ng kanyang yumaong ama na si Ferdinand Marcos, Sr. ang Martial Law at sa bisa ng Presidential Decree No. 684, na nagsasaad:”There shall be in every barangay throughout the land a barangay youth organization to be known as “Kabataang Barangay” composed of all residents therein who are less than eighteen years of age.”

Nagbigay ito ng pagkakataon para sa mga kabataan na magkaroon ng ‘tiyak na tungkulin’ at pagkakataong tumulong sa ‘pagbibigay ng mas demokratiko at tanyag na batayan para sa batas at/o iba pang mga operasyon ng pamahalaan’ para sa hinaharap.

Itinalaga si Sen. Imee bilang kauna-unahang KB national chairperson.

“Nagpapasalamat ang KB Mla., KB NCR, KB VisMin sa pakikipagtulungan upang magawang maipanalo ang tambalang BBM-Sara para maging bagong mga pinuno ng bansa,” pahayag ni Nunez.

Binati rin ng mga dating ‘Kabataang Barangay’ official si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos sa kanyang ika-93 kaarawan nitong Sabado (July 2).

Nagpasalamat din si Atty. Alex Lopez sa mga dating ‘Kabataang Barangay’ opisyal na tumulong upang maipanalo sina BBM-Sara nitong May 9 polls.

“Panahon na upang magkaisa tayo. At babangon tayong muli. Ito na ang panahon upang magkaisa tayo,” pahayag ni Lopez.

“Magsama-sama tayo sa loob ng 6 glorious yrs. Sama-sama tayong babangon muli, kaya magkaisa tayong lahat at suportahan ang bagong administrasyon,” wika ni Atty. Lopez.

Sinabi naman ni Nunez na malaki ang naging papel ni Atty. Lopez sa pagkapanalo ng BBM-Sara sa Maynila.

Ayon kay Nunez, nagawang pabagsakin ni Lopez ang isa sa mga katunggali ni Marcos na nasa Maynila nang ibunyag nito ang mga anomalyang ginawa nito sa lungsod.
Nagpahatid din ng pasasalamat ang mga dating opisyal ng KB kay Lopez sa suporta nito sa ‘Kabataang Barangay’. (JULIET PACOT)

59

Related posts

Leave a Comment