7 MANGINGISDA NASAGIP SA TUMIRIK NA BANGKA

ILOILO – Sa gitna ng napakasungit na lagay ng panahon, nailigtas ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard Iloilo ang pitong mangingisda sa isinagawang search and rescue operation matapos masiraan ang kanilang bangka sa gitna ng dagat sa bayan ng San Joaquin sa lalawigan noong Sabado ng hapon.

Sa report ng PCG-Iloilo, nakatanggap ng tawag ang Tigbauan PCG Station mula sa MDRRMO San Joaquin, na may na-stranded na fishing vessel sa gitna ng dagat matapos masira at sakay ang pitong mangingisda.

Ayon sa mga mangingisda, umalis sila sa Brgy. Nalundan, Guimbal, Iloilo noong Sabado ng umaga upang mangisda sa karagatan ng Panay Gulf, subalit inabutan sila ng nag-aalimpuyong malalaking alon sa kalagitnaan ng dagat.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng PCG at nailipat ang mga sakay at hinatak ang bangka patungo sa dalampasigan.

Ligtas na nakauwi sa kani-kanilang pamilya ang pitong mangingisda na mga residente ng Brgy. Nalundan, Guimbal, Iloilo.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment