7 VIETNAMESE TIMBOG SA ‘LAUGHING GAS’

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang pitong Vietnamese at ang head security na Pinoy ng isang KTV bar sa ikinasang entrapment operation sa Pasay City.

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang pitong Vietnamese na sina Viet Huu Nguyen, Hie Van Bui, Tam Thanh Nguyen, Hue Thi Nguyen,  Duty Van Nguyen, Canh Qliangm at Anh Hoang Pham, at ang head security ng KTV bar na si Jose Fritz Regino.

Base sa nakuhang impormasyon ng NBI-AOTCD, ang KTV bar ay nag-aalok sa kanilang kostumer ng N2O o mas kilala bilang “laughing gas”, isang chemical compound na inuri bilang volatile substance sa ilalim ng P.D. 1619.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 tangke na puno ng N2O at 12 pakete ng uninflated balloon na ginagamit bilang lalagyan ng N2O para sa pagkonsumo ng kanilang mga kostumer. (RENE CRISOSTOMO)

84

Related posts

Leave a Comment