71-ANYOS NA BRGY. LUPON MEMBER, ITINUMBA

QUEZON – Isang 71-anyos na lola ang namatay matapos barilin sa kanyang bahay sa Sitio Catmon, Barangay San Diego, sa bayan ng Buenavista sa lalawigang ito, noong Biyernes, Mayo 12, 2023.

Kinilala ang biktimang si Carmelita Monterey, miyembro ng Barangay Lupon at residente ng naturang lugar.

Ayon sa pulisya, iniulat ng anak ni Monterey na si Felix ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Mayo 13.

Base sa report, nakarinig si Felix ng putok ng baril bandang alas-7:00 ng gabi noong Mayo 12 ngunit wala siyang nakita nang siya ay mag-imbestiga.

Nang umuwi ang kanyang kapatid na si Anita mula sa kapilya bandang 10:00 ng gabi saka pa lamang natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng kanilang ina sa loob ng comfort room.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at pinaghahanap ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

105

Related posts

Leave a Comment