ABU SAYYAF TIMBOG SA NAIA

ARESTADO sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Hajar Binadbul Mubina alyas “Abu Asrie, Mhieradz, Muadz, Muhadz”, 30-anyos, tubong Bubua Island ng Basilan.

Batay sa impormasyon, si Mubina ay dumating sa NAIA nitong Biyernes sakay ng Malaysian Airlines mula sa bansang Malaysia.

Nadiskubre ng PNP na si Mubina ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court kaugnay sa pagkakasangkot nito sa kasong kidnapping with ransom.

Ayon pa sa PNP operatives, sangkot din ito sa apat na engkwentro sa Basilan laban sa military, ngunit mariin niyang pinabulaanan ang mga bintang sa kanya.

Dagdag pa ng PNP, si Mubina ay nakabase sa Basilan at tumatayo bilang pinuno ng Abu Sayyaf kapalit ng kanilang namayapang lider na si Furuji Indama,

Ayon pa sa mga awtoridad, iniwan ng suspek ang kanyang grupo noong 2015 at nagtago sa Malaysia upan makaiwas sa pananagutan sa batas.

Nabatid ng PNP na habang nasa Sabah, nakakuha ito ng fake identification card o permanent residence card.

Gumawa rin si Mubina ng Facebook account sa pangalang “Mhieradz Zhiadque IV” para makontak ang mga dating kasama sa ASG.

Noong Agosto 27, 2017, inaresto siya ng Royal Malaysian Police sa Taiman Desa Balduri, Cheras, Kuala Lumpur kasama ang pito pang Filipino na umano’y sangkot sa terrorist activities. (FROILAN MORALLOS)

65

Related posts

Leave a Comment