AGNAS NG PUTOL NA HITA, NATAGPUAN SA CALAX

CAVITE – Hinihinalang bahagi ng putol na katawan ng isang lalaki ang natagpuang agnas na putol na hita sa isang daluyan ng tubig sa bahagi ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX sa bayan ng Silang, sa lalawigan noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ng isang personnel ng CALAX ang agnas nang putol na hita sa Km Post Westbound ng CALX sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite.

Unang natagpuan ang agnas ng putol na katawan ng isang lalaki na walang ulo, at kamay dakong alas06:40 ng gabi noong nakaraang Lunes.

Nakabalot sa itim na garbage bag ang katawan at ang tanging pagkakakilanlan nito ay ang tattoo sa kaliwang dibdib na pangalang “Hasmin” at Yin Yang logo.

At dahil sa tattoo sa kanyang kaliwang dibdib, nakilala ng kanyang mga kaanak ang biktima na isang 23-anyos na lalaki mula sa Quezon City.

Ayon sa kaanak ng biktima, dalawang linggo na umano nilang hinahanap ang biktima na sinasabing nasangkot sa kaso ng ilegal na droga.

Inaalam pa kung ang natagpuang putol na hita ay bahagi ng katawan ng 23-anyos na lalaki.

Ginagalugad na rin ng pulisya ang kahabaan ng CALAX at nagbabakasakaling matagpuan na rin ang putol na ulo ng biktima.

(SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment