AKTIBIDAD NG FOREIGN STUDENTS BUBUSISIIN

ISASAILALIM sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities ang mga dayuhang estudyante na may hawak na student visa, ayon sa Bureau of Immigration.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa ay maaari pa ring isailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”.

Sinabi ni Tansingo, ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, nakapaloob sa batas ng inter-agency committee on foreign students na ang BI ay bahagi ng inter-agency na pinamumunuan ng Commission on Higher Education (CHED), kasama ang NBI, NICA, Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Education (DepEd).

Sa naturang batas, nilinaw ni Tansingco na ang BI ay maaari lamang makapag-isyu ng student visa sa isang dayuhan kung ini-endorso ito ng isang lehitimong eskuwelahan at ng CHED.

Dagdag pa nito, ang isang eskuwelahan na tumatanggap ng dayuhang estudyante ay inoobliga na magsumite ng regular na ulat sa BI na siyang magmo-monitor ng kanilang visa compliance, habang ang CHED ang nagsiguro sa pagpapatupad ng education-related policies at ang NICA ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaduda-dudang aktibidades.

Ayon kay Tansingco, sa taong 2023, may kabuuang 1,516 Chinese nationals ang nabigyan ng student visa sa Cagayan na lahat ay inendorso ng isang unibersidad, gayunman, tinatayang 400 Chinese nationals ang nakikita on-site kung saan ang eskwelahan ay nag-iimplementa ng distance learning.

Naniniwala si Tansingco na posibleng ang pagtaas ng bilang mga estudyante ay dahil sa post pandemic at marketing strategies ng mga eskuwelahan at pagpapalakas ng turismo.

“The national government has actively promoted the country as an education hub in Asia,” ayon kay Tansingco. “We hope that these concerns do not scare away legitimate students whose stay in the country could greatly help re-boost our economy,” dagdag pa nito.

(JOCELYN DOMENDEN)

 

39

Related posts

Leave a Comment