ALVAREZ BINIGYAN NG 10-ARAW PARA SUMAGOT SA REKLAMO

BINIGYAN ng House Ethics Committee ng 10 araw si Davao del Norte Ist District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez para sagutin ang tatlong kasong isinampa ni Tagum City Mayor Rey Uy laban sa kanya.

Sa press conference kahapon sa Kamara, kinumpirma ni Rep. Raul Angelo Bungalon na naipadala na ng House Secretary Generals’ Office noong Biyernes, sa tanggapan ni Alvarez ang kautusan na sagutin ang reklamo.

“Basically the complaint alleges three violations code of conduct that tantamount to disorderly behavior of public officials, conduct unbecoming as well as violation of libel provisions, inciting to seditions of provisions of penal code,” ani Bungalon.

Ayon sa mambabatas, may kaugnayan umano ang mga reklamong ito sa hindi pagpasok ni Alvarez sa Kongreso, mga mapanirang pahayag umano sa kanyang kapwa government officials, at panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na i-withdraw ang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Unang isinalang ng komite ang reklamo laban kay Alvarez noong Huwebes ng hapon kung saan napagkasunduan na “sufficient in form and substance” kaya agad na inabisuhan ng komite ang tanggapan ni Alvarez na sagutin ito sa loob ng 10 araw.

Sinabi ni Bongalon, ipatatawag umano ng komite si Uy at iba pang mga complainant upang liwanagin ang kanilang reklamo laban sa kongresista.

Hanggang sa isinusulat ito ay hindi pa umano nakatatanggap ng sagot ang komite mula kay Alvarez.

(BERNARD TAGUINOD)

28

Related posts

Leave a Comment