AMA NG NASAPAK NA ANAK, BINARIL NG KAPITBAHAY

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 45-anyos na lalaki na bumaril at nakapatay sa ama ng isang ng binata na kanyang sinuntok sa mukha sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Naisugod pa sa St. Martin Hospital ang biktimang si Arjay Depano y Ambrad, 30, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Kinilala naman ang suspek na si Joselito Mejia y Sañosa, 45, kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahay ng suspek sa Brgy. Salcedo 2, Noveleta, Cavite.

Nabatid na nagsumbong umano ang binatang anak ng biktima sa kanyang ama na sinuntok siya sa mukha ng suspek.

Hindi naman ito pinalampas ng biktima at pinuntahan ang suspek upang komprontahin subalit sinalubong siya ng putok ng baril na tumagos sa kanyang dibdib.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek at sumakay ng minibus patungo sa direksyon ng Rosario, Cavite habang ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

(SIGFRED ADSUARA)

190

Related posts

Leave a Comment