BAHAGI NG MAHARLIKA HIGHWAY ISASARA

PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang bahagi ng Maharlika highway sa Brgy. San Juan, Alaminos, Laguna upang bigyang daan ang kasalukuyang construction ng TR4 project o South Luzon Expressway extension.

Ayon sa announcement ng Alaminos Police sa kanilang FB page, simula noong Lunes ay inaasahang tatagal ng 30 araw ang pagsasara ng bahagi ng highway kung saan itatayo at ilalagay na ang overpass bridge ng ongoing SLEx TR4 project patawid sa Maharlika highway, ayon anila sa DPWH.

Sinabi ni P/Cpt. Edwin Goyena, hepe ng Alaminos Police, ang light vehicles mula motorsiklo hanggang 4-wheels vehicles  ay pwede namang dumaan sa ginawang detour road ng DPWH, hindi kalayuan sa construction site.

Ang SLEx TR4 ay ang expressway extension na mag-uugnay sa existing SLEX mula sa Sto. Tomas City, Batangas patungo sa lungsod ng Lucena sa lalawigan ng Quezon. (NILOU DEL CARMEN)

29

Related posts

Leave a Comment