BAHAY NG GEN. TRIAS MAYOR NASUNOG

CAVITE – Iniimbestigahanng Cavite Police ang sunog na nangyari

sa abandonadong bahay na pagmamay-ari ni Gen. Trias City Mayor Jon Jon Ferrer sa Tagaytay City noong Martes ng hapon.

Ang nasabing bahay ay nasa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City na binabantayan lamang ng caretaker na si Petronjo Marinduque y Amulong.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon nang nagsimula ang sunog sa abandonadong bahay ni Ferrer sa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City.

Ayon sa caretaker ng bahay na si Marinduque, nang mapansin nito na nasusunog ang bahay ay mabilis siyang humingi ng tulong sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa mga imbestigador, nagsimula ang sunog sa master’s bedroom ng nasabing bahay. Dakong ala-1:37 ng hapon nang idineklarang fire-out ni FO1 Imperial, ang sunog. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

148

Related posts

Leave a Comment