MAG-INA SINALUBONG NG BUS, TODAS

CEBU – Nasawi ang mag-inang magkaangkas sa motorsiklo nang mabangga ng kasalubong na pampasaherong bus sa National Highway, Brgy. Minolos, bayan ng Barili sa lalawigang ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Barili police ang mga nasawi na si Beby Maambong, nagmamaneho ng motorsiklo, at ang backrider na ina nito na si Nancy Maambong, mga residente ng Barangay Sta. Lucia, Asturias, Cebu.

Ayon sa report ng pulisya, galing sa Cebu City ang Ceres bus na minamaneho ng 45-anyos na si Niere Roldan Sestoso, taga El Pardo, bayan ng Boljoon, at patungo sa bayan ng Moalboal nang maka-head on collision nito ang motorsiklong sinasakyan ng mag-ina dakong alas-5:10 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, sinakop ng motorsiklo ang linya ng kasalubong na bus kaya nangyari ang salpukan.

Ikinustodiya ng Barili police ang driver ng bus na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

(NILOU DEL CARMEN)

68

Related posts

Leave a Comment