BI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS

NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offender sa mga paliparan sa bansa, ayon sa impormasyong nakalap sa pamunuan ng ahensiyang ito.

Noong nakaraang linggo, sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng BI sa kanilang port of origin, upang maiwasang mabiktima ang mga menor de edad sa bansa.
At noong Miyerkoles, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa batang babae sa kanilang lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Francisco Narvios Tecson, 55, at Dale Lloyd Bayless, 65, magkasunod na dumating sa NAIA.

Si Tecson ay naunang dumating sakay ng Eva Air flight galing Taiwan, at si Bayless ay dumating noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report ng BI, si Tecson ay na-convict noong taong 2010 dahil sa indecent contact sa 8-anyos na batang sa United States.

At si Bayless ay na-convict noong 1990 sa kasong sodomy noong 1989 sa isang 9-anyos na batang babae sa Missouri.

(FROILAN MORALLOS)

107

Related posts

Leave a Comment