TRIKE DRIVER BUKING SA OVERCHARGING

NABUKING ang umano’y over-charging sa dayuhang pasahero ng isang 33-anyos na tricycle driver makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa kawalan ng lisensya at paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Joselito Ortiz, binata, ng Baseco Compound Port Area, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, inaresto ng mga tauhan ng MTPB ang suspek dakong alas-dos ng hapon dahil sa paglabag sa batas trapiko sa panukulan ng United Nations Avenue at Mabini Street, Ermita.

Ngunit wala umanong maipakitang lisensya ang suspek kaya dinala sa tanggapan ng MPD SMART na nagresulta upang matuklasan na ito ang naningil ng mataas na pasahe sa isang Australian na si Dwaine Wooly, na nag-viral sa social media.

Siningil umano ng nasabing tricycle driver ang dayuhan ng halagang P500 makaraang maihatid sa malapit na destinasyon lamang.

(RENE CRISOSTOMO)

97

Related posts

Leave a Comment