BIGTIME PUSHER HULI SA P3-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng hapon. 

Kinilala ang suspek na si Abubakar Baliman y Salangani, nasa hustong edad, residente ng Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 4A, Regional Special Enforcement Team (RSET) 1 at 2, PDEA Cavite at Bacoor City Police (CPS), sa Town In Country Road, Molino 3, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek makaraang nakipagtransaksyon sa isang poseur buyer. 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P3,450,000. (SIGFRED ADSUARA)

123

Related posts

Leave a Comment