MAG-INA, 1 PA ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Nadakip ang tatlo katao, kabilang ang ina ng isa sa mga suspek na nakialam umano sa pag-aresto sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Rommel Organiza y Israel at Buenaventura Parado y Torres, kapwa nasa hustong edad

Habang sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents), Art. 148 ng RPC (Direct Assault) at PD 1829 (Obstruction of Justice) si Marlyn Israel y Cleofe, ina ni Rommel.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Naic Police sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kina Organisa at Parado na kapwa nasa listahan ng Street Level Individuals (SLIs).

Nakuha sa kanila ang tinatayang 15.30 gramo ng hinihinalang marijuana na may street value na P4,000, at buy-bust money.

Ngunit nakialam umano si Marlyn, ina ni Rommel, at tinangkang harangin ang pag-aresto sa huli dahilan upang ito ay arestuhin din ng mga awtoridad. (SIGFRED ADSUARA)

187

Related posts

Leave a Comment