BINATILYO SUGATAN SA SUNOG SA IMUS

CAVITE – Sugatan ang isang 17-anyos na binatilyo sa sunog sa isang residential area sa Imus City noong Linggo ng hapon.

Dumanas ng 2nd degree burns ang biktimang si alyas “JR”, na agad na isinugod sa ospital.

Ayon sa ulat ng Imus City Fire Station, dakong alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Medicion 1-C, Imus City, Cavite at nadamay ang katabing bahay.

Itinaas sa unang alarma ang sunog at dakong alas-3:34 ng hapon nang ito ay maapula.

Wala namang iniulat na namatay sa sunog habang inaalam pa kung ano ang pinagmulan nito at kung magkano ang kabuuang pinsala sa insidente.

(SIGFRED ADSUARA)

51

Related posts

Leave a Comment