Diarrhea, stomach flu kumakalat INSPEKSYON SA WATER SOURCES SA ANGELES CITY INUTOS

ANGELES CITY – Iniutos ni Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang pagsasagawa ng city-wide inspection sa lahat ng water sources sa lungsod makaraang makapagtala ng diarrhea at stomach flu na tumama sa 27 pasyente na na-confine sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center (RLMMC).

Nabatid na nagkaroon ng ulat ng pagtaas ng mga kaso ng gastroenteritis o stomach flu sa lungsod, na ayon sa RLMMC ay 27 pasyente ang tinamaan ng diarrhea at kasalukuyang ginagamot mula pa noong Pebrero 3 hanggang kasalukuyan.

“Mataas, pero walang clustering. Raw data palang, will get more info on the cases,” ani RLMMC Officer-in-Charge Dr. Froilan Canlas.

Base sa Memorandum No. 370. Series of 2024, ipinag-utos ni Mayor Lazatin sa City Health Office (CHO), General Services Office (GSO), CHO-Sanitation Division, at sa Business Permit and Licensing Division ang pagsasagawa ng inspeksyon sa water sources simula Lunes, February 5, 2024.

Kabilang sa mga susuriin at iinspeksyunin ay ang microbiological and chemical test ng tubig mula sa lahat ng water suppliers at water refilling stations sa Angeles City.

Dagdag pa sa isasagawang regular tests ay ang inspeksyon sa tubig sa

Angeles City Hall Compound, lalo na sa Cooperative canteen; tubig sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center, kasama ang hospital canteen; at inspeksyon ng tubig sa lahat ng public and private schools sa Angeles City, kasama ang mga canteen at cafeteria.

Samantala, sinabi ni Dr. Verona Guevarra, ang City Health Office ay nakipag-ugnayan na sa mga local private hospitals para sa mga datos kaugnay ng mga kaso ng stomach flu.

Nauna rito, nanawagan si Mayor Lazatin sa publiko na maging “vigilant” at siguruhing malinis ang kanilang water and food sources.

Iniatas rin ni Mayor Lazatin kina Dr. Guevarra at Dr. Canlas na humingi ng tulong sa Department of Health (DOH) upang mabatid kung mayroon nang outbreak ng nasabing virus.

(ELOISA SILVERIO)

53

Related posts

Leave a Comment