BINATILYO SWAK SA SELDA SA FRUSTRATED MURDER

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, ang isang 19-anyos na binatilyo sa kasong frustrated murder sa Old Antipolo Street, Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romeo Estabillo, station commander, ang suspek na si alyas “Kenjie”, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat ni Police Captain Fredwin Sernio, hepe ng Palanca Police Community Precinct, at ng Intelligence and Warrant Section, naaresto ang suspek dakong alas-8:00 ng gabi noong Miyerkoles sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge James Sy, ng Regional Trial Court Branch 4 ng Manila.

Ang suspek ay maaaring maglagak ng piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

(RENE CRISOSTOMO)

42

Related posts

Leave a Comment