CALAX SILANG MALAPIT NANG MATAPOS

DALAWA hanggang tatlong buwan simula ngayon, inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makukumpleto nila ang konstruksyon ng Silang Interchange segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa pagpasok ng buwan ng Mayo.

Ayon sa DPWH, makakukuha na ng “writ of possession” sa nalalabing 15,650 square meters na lupain na kailangan sa proyekto.

Nitong Pebrero 2023, tinanggal ni Tagaytay Regional Trial Court Branch 134 Judge Michael Maranan ang suspensyon sa pagpapalabas ng “writ of possession” sa nalalabing lupain para makumpleto ang proyekto.

Dahil dito, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na makukumpleto nila ang CALAX Silang sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan makaraan ang mga delay dahil sa isyu sa “right-of-way”.

Ang Silang CALAX ang ikalima sa walong segment ng 45-kilometrong toll road. May haba ito na 3.9 kilometro mula Silang East Interchange hanggang Aguinaldo Highway sa Cavite. (RENE CRISOSTOMO)

161

Related posts

Leave a Comment