CALL CENTER AGENT PATAY, BACKHOE OPERATOR SUGATAN SA AKSIDENTE

BATANGAS – Isa ang patay at isa ang kritikal ang kalagayan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa lalawigan noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report ng Batangas Police, nangyari ang unang aksidente dakong alas-10:20 ng gabi sa Barangay Malinis, Lemery, kung saan bumangga ang motorsiklong mimaneho ng 56-anyos na call center agent na si Shawn Al Bello, sa kotseng Honda City na minamaneho ng isang alyas “Ryan”.

Ayon sa report, paahon ang motorsiklo at nag-shortcut sa opposite lane, subalit nalito ang driver nang biglang sumulpot ang kasalubong na kotse.

Nawalan ng kontrol ang nagmamaneho at natumba ang motorsiklo at sa kasamaang palad ay natumnok ito ng kotse naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Nasa kustodiya na ng Lemery Police ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Sa Talisay, Batangas, kritikal ang bachkoe operator na si Sonie Intig, 42, nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumalpok sa Isuzu Elf dropside truck na minamaneho ni Benjie Magapi, 49, dakong alas-10:15 ng gabi.

Dahil walang suot na crash helmet ang rider, dumanas ito ng grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Isinugod ito sa ospital ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO-Talisay upang malapatan ng lunas.

Ikinustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng elf truck para sa patuloy na imbestigasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment