LALAKI PATAY SA TAGA NG KAALITAN

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang pagtatagain ng kanyang nakaalitan matapos nitong balikan upang komprontahin sa Trece Martires City noong Sabado ng gabi.

Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Randy” subalit idineklarang dead on arrival.

Hawak na ng Trece Martires City Police ang suspek na si alyas “Espinosa” matapos maaresto sa isinagawang follow-up operation.

Una rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek dakong alas-11:45 ng gabi sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Umuwi umano ang biktima at nagsumbong sa kanyang nakatatandang kapatid kaya bumalik ang magkapatid at tinangkang komprontahin ang suspek.

Subalit paglabas ng suspek ay may hawak na itak at tinaga ang biktima sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment