CESSNA PLANE SA BUKID NAG-LANDING

SUMADSAD ang isang Cessna aircraft sa bukirin sa Barangay Barihan, Malolos City, Bulacan noong Sabado ng hapon.

Ayon kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan Police director, ang Cessna 152 Aircraft Model ay kinailangang mag-emergency landing bandang alas-2:30 ng hapon.

Sakay ng eroplano si Capt. Ysmael Argonza at ang estudyante nito na si Iñigo Martin buhat sa routine flight mula Subic patungong Plaridel Airport.

Ayon sa report ng piloto, agad nitong napansin na may fuel shortage sa kanilang biyahe kaya nagdesisyon na mag-emergency landing.

“Their adherence to proper protocols and effective decision-making undoubtedly contributed to the successful outcome of this situation, ani Arnedo.

(ELOISA SILVERIO)

26

Related posts

Leave a Comment