CHED COMMISSIONER 90-DAY SUSPENDIDO

INANUNSYO ng Commission on Higher Education (CHED) ang 90-day suspension ni Commissioner Aldrin Darilag dahil sa di umano’y “grave misconduct, neglect in the performance of duty, at abuse of authority.”

Winika ng CHED, ipinalabas ng Office of the President (OP) ang suspension order kay Darilag bilang presidential appointee.

Inatasan ng OP ang CHED na magsagawa ng fact-finding investigation para tiyakin kung ang formal charges ay dapat na isampa laban kay Darilag.

“This preventive suspension is imposed so that Commissioner Darilag cannot use his office and position to influence the investigation and due process can be observed in the process,” ayon kay CHED chairman J. Prospero De Vera III sa isang kalatas.

“I call on the CHED officials and employees, including the higher education community, to exercise their duties and power consistent with the principle that public office is a public trust,” dagdag na pahayag nito.

Hindi naman pinalawig pa ng CHED ang rason ng suspensyon ni Darilag subalit kung matatandaan noong nakaraang taon sa pagdinig sa Senado, may alegasyon na ginagamit nito ang public funds para bayaran ang travel expenses ng kanyang pamilya.

Ipagkakatiwala naman ni De Vera ang mga tungkulin ni Darilag kabilang na ang chair-designate ng Board of Regents ng 30 state universities and colleges (SUCs)—sa ibang komisyonado habang nakataas ang suspensyon laban dito.

(CHRISTIAN DALE)

186

Related posts

Leave a Comment