PINAS TOP RICE IMPORTER PA RIN SA MUNDO – USDA

MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.

Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).

Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.

Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.

Sinasabi pa rin sa ulat na nakikitang tataas naman ang rice imports ngayong taon ng mga bansang gaya ng Afghanistan, Angola, Bangladesh, China, Democratic Republic of the Congo, Cuba,

Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya, Madagascar, Malaysia, Mexico, Nepal, Pilipinas, Saudi Arabia, Sierra Leone, United Arab Emirates, United Kingdom, United States, at Yemen.

Sa kabilang dako, ayon naman sa data ng Bureau of Plant Industry na may petsang Enero 11, nag-angkat ang Pilipinas ng 3.6 milyong metriko tonelada ng bigas, bahagyang mas mababa noong 2022 na may 3.8 metriko tonelada.

Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na plano ng pamahalaan na i-secure ang rice trade agreement nito sa Vietnam noong panahon na nag-state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang pag-angkat ng bigas mula sa Cambodia para mapanatili ang suplay ng bigas sa gitna ng nagbabadyang epekto ng El Niño.

Winika naman ng Malakanyang na target ng Cambodia na makakuha ng 1% share ng market ng imported rice sa Pilipinas ngayong taon.

(CHRISTIAN DALE)

34

Related posts

Leave a Comment