CHINA RESEARCH VESSEL NAGMAMATYAG SA KARAGATAN NG EASTERN SAMAR – PCG

INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang na-monitor ang mga awtoridad na ilegal na aktibidad hinggil sa research vessel ng China na huling namataan sa karagatang sakop ng Eastern Samar.

Ayon kay PCG Spokesman Rear Admiral Armando Balilo, may mga barko sila sa Eastern Visayas na maaaring mag-monitor sa aktibidad ng barko ng China.

Dagdag ni Balilo, nakatoka ang BRP Melchora Aquino na magbantay sa research vessel na Shen Kuo.

Gayunman, dahil naglayag na ang Chinese vessel pa-timog ay ibang sasakyan na ng PCG ang magsasagawa ng monitoring

Wala ring nakikitang problema ang PCG sa presensiya ng research vessel ng China na nasa 32.57 nautical miles o 60 kilometro ng San Policarpio, Eastern Samar.

Aniya, ang Shen Kuo ay may kalayaan sa paglalayag o ‘freedom of navigation’ sa executive economic zones ng bansa.

Ang mahalaga raw dito ay hindi pumapasok ang barko sa 12 nautical miles o katumbas na 22 kilometers na territorial waters ng bansa.

(JOCELYN DOMENEN)

58

Related posts

Leave a Comment