CHINESE KIDNAP VICTIM NATAGPUANG PATAY

CAVITE – Isang bangkay ng hinihinalang Chinese national na biktima ng kidnapping, ang natagpuan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng maong pants, walang damit pang-itaas, tinatayang 30 hanggang 40-anyos, nakabalot sa duct tape ang ulo at may mga sugat sa leeg at kamay.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang nadiskubre ng mga estudyante ng POTC ARESCOM ang bangkay ng biktima sa isang madamong bahagi ng lote sa Sta. Lucia Realty Development, Saddle and Club Leisure Park sa Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite.

Ayon kay Chief Inspector Dennis Villanueva, hepe ng Tanza Police Station, tumugma ang biktima sa hawak na litrato ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group (AKG) hinggil sa kinidnap at pinatay na isang Chinese national.

Gayunman, kailangan umanong mismong mga kaanak ng biktima ang dapat na kumilala sa bangkay.

Hinihinalang mula sa bangkay na ito nagmula ang kumalat na dugo sa isang bahay sa Gen. Trias City kung saan may natagpuang dalawang granada. (SIGFRED ADSUARA)

421

Related posts

Leave a Comment