COMMUTER BINARIL SA ULO

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki nang barilin ng ‘di kilalang suspek habang nag-aabang ng sasakyan sa gilid ng kalsada sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas City ang biktimang si alyas “Jaypee”, habang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, habang nakatayo ang biktima at nag-aabang ng sasakyan sa gilid ng kalsada sa Aguinaldo Highway sakop ng Barangay Sampaloc 2, Dasmariñas City, nang sumulpot ang suspek at binaril sa ulo si Jaypee.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya gayundin ang pagrebyu sa footage ng CCTV sa lugar para sa pagkakakilanlan ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

42

Related posts

Leave a Comment