COMPUTER TECHNICIAN TIMBOG SA PANANAKSAK

ARESTADO sa follow-up operation ang isang 24-anyos na computer technician makaraang saksakin ang kanyang kapitbahay sa Gawad Kalinga, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng gabi.

Nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang suspek na si Mark Anthony Fernandez, kapangalan ng aktor, at residente ng nabanggit na lugar.

Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si Jet Bashan, binata, isang candle maker.

Batay sa ulat ni Police Corporal Ehmil Paglinawan, bandang alas-11:30 ng gabi, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang biktima sa hindi nabatid na dahilan. Hanggang sa pagsasaksakin umano ng suspek ang biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

 

39

Related posts

Leave a Comment