CONSIGNEE NG OPIUM TIKLO SA NAIA

INARESTO ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Force Group (IADITF) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Indian national habang kini-claim nito ang limang kilong dried opium poppy buds, sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay city.

Kinilala ang suspek na si Amamdeep Singh, residente ng Brgy. Burol, Dasmarinas, Cavite.

Ayon sa impormasyon, ang mga opium ay ipinadala kay Amamdeep Singh ng nagngangalang Sammee Singh, residente ng Navarro De Hato 2430700 ng Murcia, Spain.

Nadiskubre ang mga droga sa tinatawag na interdiction operation ng mga tauhan ng BOC-NAIA Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa opisina ng CMEC), nitong nakaraang araw.

Nabatid na bumungad sa mga awtoridad ang limang kilo ng dried opium na itinago ng shipper sa loob ng cereals at corn flakes. (FROILAN MORALLOS)

143

Related posts

Leave a Comment