LALAKI PATAY SA SAKSAK NG EX NG KINAKASAMA

BATANGAS – Patay ang isang lalaking dadalaw sa anak ng kanyang live-in-partner matapos na saksakin ng dating mister ng kanyang kinakasama sa Barangay Colongan, sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Idineklarang dead on arrival ng doktor sa Mahal Na Virgen Maria District Hospital ang biktimang si Roberto Bostrillo, 32, taga Purok 2, Barangay Bocohan, Lucena, City.

Ayon sa imbestigasyon, dadalawin ng biktima ang anak ng kanyang live-in partner na naiwan nila sa Batangas, nang makita siya ng suspek na si alyas “Leopoldo”, 50, dating mister ng kanyang kinakasama.

Matagal na umanong may galit at hina-hunting ng suspek ang biktima matapos na tangayin nito ang kanyang misis at manirahan sa Lucena City.

Nang makita sa kanilang lugar, kinorner ang biktima ng suspek at tatlong beses na sinaksak gamit ang isang itak.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktima habang naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

(NILOU DEL CARMEN)

50

Related posts

Leave a Comment