DALAGITANG ANGKAS, PATAY SA AKSIDENTE

CAVITE – Patay ang isang 15-anyos na dalagitang angkas makaraang bumangga sa bakal na gate ang isang motorsiklo na minamaneho ng isa ring menor de edad sa bayan ng Naic sa noong Lunes ng gabi.

Kapwa isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina alyas “Nikka”, 15, at alyas “Denver”, subalit idineklarang dead on arrival ang dalagita habang habang inoobserbahan ang binatilyo.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, minamaneho ni Denver ang motorsiklo na walang plaka, at angkas si Nikka sa Brgy. Bancaan, Naic, Cavite ngunit nawalan ng kontrol sa manibela kaya bumangga ang nasabing sasakyan sa gate na bakal.

Isinugod sa ospital ang dalawang menor de edad subalit hindi na umabot nang buhay si Nikka.

(SIGFRED ADSUARA)

55

Related posts

Leave a Comment