DAWLAH ISLAMIYA HINDI LULUBAYAN NG AFP

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Army na tutugisin nila at hindi lulubayan ang mga teroristang kasapi ng Dawlah Islamiya – Hassan Group na nasa likod ng pananambang sa apat na sundalo na namilli lamang ng mga pagkain na ihahandog sa mga kapatid na Muslim sa pagtatapos ng kanilang ayuno kaugnay sa paggunita ng Ramadan kamakalawa ng umaga sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Kinondena naman ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine sa pinakamataas na antas ang brutal na pagpatay sa apat na sundalo.

“The AFP vows to hunt down the perpetrators and neutralize these ruthless killers to finally put a stop to their violent acts that disrupt peace and stability in the region. We assure the Filipinos that your Armed Forces is firm on its resolve to perform our mandate of protecting the people and the state,” mariing pahayag ni AFP chief of Staff Romeo Brawner Jr.

(JESSE KABEL RUIZ)

30

Related posts

Leave a Comment