SUNDALO, 2 PA PATAY SA JEEPNEY

CAVITE – Patay ang dalawang driver ng motorsiklo kabilang ang isang miyembro ng Philippine Marine, at angkas ng isa mga ito nang mabangga ng isang utility jeepney sa pababang bahagi ng kalsada makaraang nawalan umano ng kontrol sa kanyang manibela ang driver sa bayan ng Ternate sa lalawigan noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina alyas “Nick”, 38, miyembro ng Philippine Marine, at “Greg”, 54, isang golf crew, gayundin ang angkas nito na si “Teng”, 40, pawang hindi umabot nang buhay sa ospital.

Hawak na ng Ternate Police ang driver ng jeepney utility vehicle na may plakang DXY 982, na si alyas “Justin”, 57.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Ternate-Nasugbu Road, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite kung saan binabagtas ng dalawang motorcycle rider ang nasabing lugar patungo sa kanilang trabaho sa Puerto Azul.

Binabagtas din ng driver ng utility jeepney ang nasabing lugar galing sa outing sa nasabing resort ngunit pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada nang umano’y mawalang ng kontrol sa break at lumipat sa kabilang lane dahilan upang mabangga nito ang dalawang motorcycle rider.

Parehong isinugod sa Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ang dalawang driver ng motorsiklo subalit idineklarang dead on arrival, habang sa San Lorenzo Hospital sa Naic isinugod ang backrider ng motorsiklo subalit namatay rin ito.

(SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment