Ngayong Women’s Month ACT-AGRI-KAAGAPAY NAMAHAGI NG BIGAS AT PATABA

NAMAHAGI ang ACT-Agri-kaagapay organization ng daan-daang sako ng de kalidad na bigas at mga pataba sa mahihirap na residente sa lalawigan ng Batangas.

Mismong sina Mataas Na Kahoy Municipal Mayor Janet Ilagan at civic leader at ACT- Agri-Kaagapay President Virginia Rodriguez ang nanguna sa distribusyon ng may 500 bags ng bigas at 300 sako ng pataba sa mga pamilya at mga magsasaka sa lalawigan upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga ito.

Ayon kay Rodriguez, ang rice assistance program ng ACT-Agri-Kaagapay at distribusyon ng pataba ay nabuo bunsod ng tumataas na presyo ng bigas at mga hamong kinakaharap ng consumers, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng basic commodities.

“We aspire to bring to many Filipino people, through our joint programs with the local government units to reach to the less fortunate families who may not have the means to avail of these benefits,” aniya.

Tinukoy rin ni Rodriguez na ang mga rice farming households ay kabilang sa mga hindi nakakakuha ng anomang cash assistance.

“Although agricultural production was among the biggest affected sectors by el Nino, earnings from rice farming are so poor that many rural families also rely on various odd-jobs in the informal sector which have been adversely affected,” aniya.

Giit ni Rodriguez, ang maliliit na magsasaka at kanilang pamilya ay nararapat ding mabigyan ng tulong upang matulungang maging produktibo.

“Many farmer incomes and livelihoods should become a thing of the past. And, as every Filipino deserves, farming communities should have decent education, health and housing as well as the conveniences of water, electricity, telecommunications and transport,” pahayag pa ni Rodriguez.

29

Related posts

Leave a Comment