DRIVER NG L300 VAN NAKAIDLIP, 4 PATAY, 11 SUGATAN

CAVITE – Apat ang patay habang 11 na magkakamag-anak ang sugatan makaraang sumalpok ang isang Mitsubishi L300 van sa isang punongkahoy sa gilid ng kalsada nang makaidlip ang driver nito sa Naic noong Miyerkoles ng madaling araw.

Pawang isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang mga biktimang sina Jaime Vasquez y Alibanto, Ralph Noel Vasquez y Almoquera, Norlie Vasquez Brocales, Lea Vasquez y Alibanto, Bernardo Tano y Alangco, Ariel Rivera y Lababdero, Geronimo Canaway y Dela Cruz, Precillano Pantebry Latoria, Jaime Vasquez y Alibanto, Noel Vasquez y Ranon, Jamin Vasquez y Brocales, Fernando Ranon y Francisco, Sanito Brocales, Jackie Vasquez y Alibanto, subalit idineklarang dead on arrival sina Jaime, Ralph Noel, Norlie at Lea.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Robinson M. Tercia ng Naic Police Station, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Governor’s Drive sakop ng Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Minamaneho ni Jether Ayuban y Tatel, 27, ang puting Mitsubishi L300 van sakay ang 14 na pasahero.

Ngunit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente nang sumalpok ang sasakyan sa isang puno sa gilid ng kalsada.

Ayon sa ulat, nakaidlip umano ang driver nito kaya hindi nito namalayan na bumangga na ito sa punongkahoy.

(SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment