DRUG GROUP MEMBER NABITAG SA MAYNILA

NABITAG ng mga operatiba ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District ang isang miyembro umano ng Saluib crime group at Buranday drug group, sa ikinasang operasyon sa San Fabian Street, Tondo, Manila noong Lunes ng gabi

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nass Vargas, station commander, bandang alas-6:45 ng gabi nang maispatan sa nasabing lugar ang suspek na kinilalang si alyas “Bert”, 28, jobless, residente ng Parola Compound, Tondo, Manila.

Inaresto ang suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court Branch 175 ng Manila.

Nadakip ang suspek sa inilatag na operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Intelligence Unit, sa pangunguna ni Lt. Col. Vargas, sa direktiba ni MPD Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay.

(RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment